Mahigit 700 indibidwal sa Daraga, Albay, benepisyaryo ng food for work program ng DSWD

Sa pamamagitan ng food for work program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol at sa pakikipagtulungan ng Daraga LGU ay nabigyan ng pagkakataon ang ilang mga sektor sa bayan na makatanggap ng mga benepisyo dahil na rin sa pakikiisa nila sa programa.

Batay sa impormasyon mula sa nasabing LGU, aabot sa 800 o 798 na mga Daraguenyo ang naging benepisyaryo ng nasabing programa.

Ang mga naging benepisyaryo nito ay nagmula sa iba’t ibang mga sektor tulad ng persons with disabilities (PWD), community-based inclusive development (CBID), solo parents, Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), day care parents, persons who used drugs (PWUDs) at iba pa na nakiisa sa clean-up drive mula sa iba’yt ibang lugar sa bayan.

Tumanggap sila ng mga family food packs na ipinamahagi ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *