Mahigit 700 mga person who used drugs o surrenderees, lumahok sa roll out ng programang “Buhay, ingatan; Droga, ayawan” ng PNP Bicol

Mahigit 700 mga Persons Who Used Drugs and surrenderees ang nakilahok sa roll out ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA program ng Philippine National Police sa PRO5 Multi-Purpose Hall Camp General Simeon Ola sa lungsod ng Legazpi.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Regional Director PBGen. Rudolph B. Dimas at sampu ng kanyang mga tauhan sa buong Bicol.

Isa sa mga panauhing pandangal ay si PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Rhodel O. Sermonia.

Nasa mahigit isanlibong participants ang mula sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, Masbate, Catanduanes at mga  kinatawan ng mga ahensiya ng gobyerno, LGUs at media.

Layunin nitong wakasan ang problema sa iligal na droga sa bansa at cleansing na rin sa hanay ng kapulisan.

Dagdag pa rito, ninanais ding magin “drug cleared” ang bansa alinsunod sa marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos sa DILG at PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *