Mahigit 7,000 overseas Filipinos na-repatriate ngayong taon sa ilalim ng PBBM Admin

Aabot sa mahigit 7,000 overseas Filipinos ang na-repatriate ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA) nasa 7,880 overseas Filipinos naiuwi sa bansa mula January hangang November 2022 sa pangunguna ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs.

Sa accomplishment report na ipinasa sa Malacañang, sinabi ng DFA na 57.67 percent ng bilang na ito ay mula sa Middle East; 942 na mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) ay mula sa Kuwait, habang 70 ay mula sa Sri Lanka.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na mas palalakasin ang koordinasyon sa pagitan ng DFA at ng bagong likhang Department of Migrant Workers (DMW) sa hangaring makapagbigay ng tulong sa mga Pinoy abroad.

Kinilala rin ni Marcos ang mahalagang kontribusyon ng mga OFW, lalo na noong panahong humina ang ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *