Mahigit 72,000 vials ng Janssen, Sinovac at Astrazeneca vaccine; dumating sa Region 2

Dumating ngayong araw, July 23, 2021 ang nasa 72,720 vials ng iba’t-ibang brand ng COVID-19 vaccine sa lambak ng Cagayan.


Mula sa naturang bilang, 21, 230 vials dito ang Janssen (Jonhson&Jonhson), 51, 200 na Sinovac at 290 vials ng Astrazeneca vaccine.


Karamihan umano sa alokasyon ng mga dumating na bakunang Janssen ay inilaan sa Provincial Health Office ng Isabela partikular sa tinatawag na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).


Dinala ang mga dumating na bakuna sa cold storage facility ng DOH Region 2 bago i-deliver sa mga allocated health offices sa rehiyon.


Samantala, batay sa tala ng DOH Region 2 ay mayroon nang kabuoang 263, 168 ang bilang ng mga naturukan kung saan 119,745 second dose dito ang nakatanggap na ang second dose.


Naitala rin ng kagawaran ang 94.86% consumption rate sa mga bakunang dumarating sa lambak.

Photo/ PIA Region 2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *