Mahigit 74, 845 na indibidwal sa Camarines Norte wala pang kahit isang dose ng COVID- 19 vaccine

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 74, 845 na indibidwal sa lalawigan ng Camarines Norte ang wala pang kahit isang dose ng COVID- 19 vaccine.

Batay ito sa datos ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center hanggang March 26, 2023.

Sa ngayon nasa 359, 537 o 82. 8 % sa target na 434, 382 ang nakatanggap na ng bakuna.

Sa bayan ng Basud nasa 1, 299  ang hindi pa nababakunahan sa target population na 30, 543.

Sa Capalonga ay mayroong 525 na hindi pa bakunado sa target na 23, 987.

Ang kabiserang bayan ng Daet ay mayroon pang 790 na hindi bakunado sa target na  78. 046.

Marami- rami pa ang kailangang bakunahan sa Jose Panganiban na may 11, 773 sa target na 44, 414 at Labo na may 19, 378 na mayroon namang target population na  75, 275.

Nasa 6, 590 naman ang kailangan pang mabakunahan sa Mercedes, 14, 297 sa Paracale na may pinakamababang vaccination coverage sa lahat ng baya  na nasa 67. 5 % pa lang.

Aabot  naman sa 1, 893 ang kailangan pang bakunahan sa San Lorenzo Ruiz, 9, 269 sa Sta Elena, 1, 292 sa Talisay at 8, 999 naman sa Vinzons.

Ang bayan ng San Vicente ay na pinakamaliit sa lahat ay hindi lang naabot ang target kundi nalagpasan pa.

Sa  7, 740 na target population na sa 9,000 o 116. 3 % ang nabakunahan.

Kapwa nagpaalala naman ang simbahan sa mga wala pang bakuna at mayroong comorbidities na magsuot pa rin ng face mask kung dadalo sa mga aktibidad ngayong Semana Santa tulad ng misa at prusisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *