Mahigit 77, 000 indibidwal sa Camarines Norte target na mabakunahan ng booster shot sa nagpapatuloy na Barangayang Suyod Bakuna

CAMARINES NORTE- Target ng lalawigan ng Camarines Norte na mabakunahan ng booster shot ang nasa 77, 664 na indibiwal sa nagpapatuloy na Barangayang Suyod Bakuna.

Sa bilang na ito 34, 821 ang target na mabakunahan sa Labo, 22, 311 sa Daet, 20, 688 sa Paracale, 19, 547 sa Jose Panganiban at 15, 118 sa Mercedes.

Nagsimula ang Barangayang Suyod Bakuna noong Lunes, November 14 na tatagal hanggang December 16.

Sa unang dalawang araw ng Barangayang Suyod Bakuna nakapagbakuna ang lalawigan ng nasa halos 900 pero kasama na dito ang iba pang munisispyo.

Nais ng DOH na mapataas ang tinatawag na “wall of immunity” sa pamamagitan ng booster kaya nagsasagawa ng pagsuyod sa mga Purok, Sitio at Barangay.

Sa pamamagitan nito ay mapapanatiling mababa ang bilang ng mga naoospital sa COVID- 19 kung lahat ay mayroon nang booster.

Ayon kay DOH Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera ngayon na unti- unti nang niluwagan ang health protocols at voluntary na lang ang paggamit ng facemask ay mas kailangan aniya ang dagdag proteksyon kontra COVID- 19 kaya kailangang magpa booster.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *