Mahigit 800 environmental planners, lumahok sa 3 araw na general assembly ng 2022 Philippine Institute of Environmental Planners (PIEP) sa Legazpi City

Umabot sa 850 environmental planners ang dumalo sa isinagawang tatlong araw na general assembly ng 2022 Philippine Institute of Environmental Planners (PIEP) na ginanap sa Legazpi City Convention Center.

Ayon kay Jun Encila, Jr., Executive President ng PIEP, napag-uusapan ng mga ito ang epekto ng global warming at climate change kung saan sa kakatapos lamang ng bagyo ay marami ang namatay at marami ang nagkaroon ng landslides sa bansa.

Dahil dito, isa mga inirekomenda ng environmental planners sa mga LGU na maaaring gamitin ang lupa sa pagpapatayo ng mga proyekto nang walang maaapektuhan o mapipinsala sa komunidad upang maiwasan ang anumang aksidente o pagkasawi.

Marami sa ngayon sa pamahalaan ang hindi nakakaalam na mayroon pa lang environmental planners na itinalaga kung saan tinitingnan din nito ang pangangalaga sa kapaligiran at marami pang iba.

Layunin nitong isulong ang pangangailangan para sa mga tagaplano sa komunidad na dapat magkaroon ng kapasidad upang isama sa paggawa ng patakaran at programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *