Mahigit 80,000 katao, nakatakdang mag-exam sa CSC sa susunod na linggo

LEGAZPI CITY – Aabot sa mahigit 80,000 mga indibidwal ang nakatakdang magtake ng civil service commission sa darating na Linggo, Oktubre 23, 2022.

Sa anunsiyo ng Civil Service Commission kahapon, inihayag nitong nasa kabuuhang bilang na 80,805 katao ang inaasahang makakapag-exam sa 28 testing centers sa buong bansa.

Ayon sa komisyon, inaasahang nasa mahigit 63,000 ang examinjees para sa Fire Officer Examination (FOE); mahigit 10,000 para sa Penology Officer Examination (POE) at mahigit 6,000 naman para sa Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE).

Dagdag pa nito, ang mga rehistradong mag-e-ezam ay inaabisuhan na i-check ang kanilang school assignments sa pamamagitan ng paggamit ng Online Notice of School Assignment (ONSA) na mahahanap sa website ng CSC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *