Mahigit 821 libo na mga taga Camarines Sur target sa PhilPEN risk assessment  ng DOH

NAGA CITY- Aabot sa 821, 035 nag e-edad 20 pataas sa Camarines Sur ang target ma risk assist ng Department of Health (DOH)  Bicol sa Mass Philippine Package for Essential Non-Communicable Diseases Interventions (PhilPEN) Risk Assessment Activity mula March 1, 2023 hanggang March 31, 2023.

Sa pag-iikot ng health workers aalamin ang posibilidad ng isang tao na magkaroon ng  hypertension, diabetes at iba pa.

Ang health office ng bawat bayan at lungsod ay ma kakaroon ng schedule  maaaring door-to-door o house to house, puwede ring modified fixed post at fixed post o magtatalaga na lamang ng lugar.

Sa Minalabac , Camarines Sur sinabi sa Brigada News FM Naga ni Mayor Chris Lizardo na magandang balita  ito para sa mga residente lalo na sa mga coastal areas. Sa kanilang bayan maayos naman ang serbisyo medical at madalas din ang pagbista ng medical team mula sa provincial government gayundin ng medical van pero ayon sa alkalde mayroong hindi prayoridad ang pagpapa check-up lalo na kung walang nararamdaman.

Kaya hiling nito sa mga residente, makiisa sa programa ng DOH upang mapigilan ang mas malaking pasanin kapag lulala na ang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *