Mahigit 8K bagong botante, nairehistro ng Sorsogon-Comelec

Aabot na sa mahigit 8K bagong botante ang nakapagrehistro na sa lalawigan ng Sorsogon, ayon ito sa pahayag ng Provinciall Election Supervisor na si Atty Calixto Aquino.

Patuloy pa rin na hinikayat nito ang mga kwalipikadong botante na hindi pa nakakapagparehistro na samantalahin ang nagpapatuloy pa na satellite voter’s registration sa SM City tuwing Huwebes at Biyernes na magtatagal hanggang katapusan nitong buwan lamang.

Dagdag din nito na sa mga municipal Comelec ay mayroon ding satellite voter’s registration kung saan ang kanilang personahe ay pumupunta sa ibat-ibang barangay upang magsagawa ng registration.

Binigyan linaw din ni Aquino na ang Sorsogon ay hindi kasali sa pilot testing ng Register Anywhere Program (RAP).

Aniya, tanging lalawigan ng Camarines Sur at ang mga lungsod ng Legazpi at Naga ang napasama sa naturang programa sa Bicol region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *