Mahigit dalawang piso na rollback sa produktong petrolyo, kasado na susunod na linggo

Kasado na susunod na linggo ang panibagong bawas presyo sa mga produktong petrolyo.

Batay sa pagtaya ng kompanyang Unioil, aabot sa P2.00 hanggang P2.20 ang magiging tapyas sa kada litro ng diesel.

Nasa P1.90 hanggang P2.10 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Sa kerosene, may inaasahan ding bawas na aabot sa P2.50 hanggang P2.75.

Sa Lunes, inaasahang maglalabas ng abiso ang iba’t-ibang kumpanya ng langis ukol sa rollback, at sa Martes naman ito ipatutupad.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.