Mahigit isandaang katao, arestado sa magkakahiwaly na anti-illegal drug operation ng pulisya sa Central Luzon

Umabot sa 132 ang mga indibidwal na naaresto sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operation sa Central Luzon, mula January 15 hanggang 21.

Sa tala ng Police Regional Office 3, nasa 86 na operasyon ang ikinasa ng iba’t ibang mga police station sa rehiyon.

Nag resulta ito sa pagkaka sabat sa mahigit isang milyong pisong halaga ng illegal na droga.

Habang nasa 124 naman ang naarestong may standing warrant of arrest; 17 dito ang most wanted person.

Samantala nasa 83 naman ang naaresto maty kaugnayan sa illegal gambling at anim ang dahil sa illegal possession of firearms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *