Mahigit isang libong biktima ng human trafficking, nasagip sa Clark

Nasagip ng mga otoridad ang nasa 1,090 na mga indibidwal na sinasabing biktima umano ng human trafficking sa loob ng Clark Freeport Zone kagabi.

Na bisto ang illegal na operasyon matapos salakayin ng Anti Cyber Crime Group, Special Action Force at Intelligence group ang Colorful and Leap Group Company sa Clark Sun Valley Hub para isilbi ang search warrant.

Dito na na-rescue ang ilang mga dayuhan na sapilitan umanong pinag ta-trabaho sa isang fraudulent cyber-enabled industry o isang uri ng pangloloko online.

Sa report na inilabas ng PNP, bukod sa 171 na Pilipino, kasama sa nasagip ang 389 Vietnamese, 307 Chinese, 143 Indonesians, 40 Nepalese, 25 Malaysians, 7 Burmese, 5 Thai, at 2 Taiwanese nationals.

Samantala agad ring isinagawa ang booking at documentation sa mga dayuhan para sa kanilang deportation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *