OLONGAPO-Naturukan na ng 2nd dose ng bakuna ang mahigit isanlibong mga health workers sa Olongapo.
Ito ay matapos na dumating ang mga bakuna para sa pangalawang beses na pagturok sa mga kwalipikadong mga health workers.
Matatandaan na sa ngayon ay mayroong 3-thousand plus na target na mabakunahan pero mahigit isang libo pa lang ang nakakumpleto ng 2nd dose.
Samantala, sakaling dumating na ang dagdag na mga suplay ay kagaad namang babakunahan ang iba pang nga health workers.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center
