Mahigit isang libong potential household 4P’s beneficiaries sa bayan ng Mercedes  isinailalim sa orientation ng MSWDO

CAMARINES NORTE- Isinailalim sa briefing at orientation ang nasa 1, 186 potential household beneficiaries ng Pantawid Pilipino Program o 4P’s sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte na pinangasiwaan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ang mga ito ay galing sa 26 na barangay ng naturang bayan na naitala base sa validation ng 2019 Listahanan.

Kabilang sa mga dokumento na kailangang ipresenta ng potential beneficiaries ay Birth certificate ng lahat ng mga kasama sa bahay, Marriage Contract, School certificate ng mga anak na katunayan na nag aaral, Health certificate ng  kasama sa bahay edad 0-5 years old,  Valid ID ng potential grantees at Original copy ng Certificate of Residency mula sa barangay.

Kung kulang ang isusumiteng rekisitos, posibleng mabinbin ang kanilang aplikasyon hanggang sa ito ay makumpleto.

Nilinaw rin ng MSWDO na hindi kasiguruhan ang pagdalo sa orientation para ma- qualify dahil magdedepende ito sa resulta ng assessment at validation.

Magtatapos ang orientation sa Pebrero 16.

Tinatayang nasa mahigit kumulang 34,000 household ang beneficiaries ng 4P’s sa buong lalawigan.

Mayroon na ring mga nakatapos na sa programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *