Mahigit kumulang 100 kunsomidores nagbenepisyo sa Community Pantry ng Canoreco

CAMARINES NORTE- Aabot sa mahigit kumulang isangdaang kunsomidores ng Camarines Norte Electric Cooperative ang natulungan sa inilagay na community pantry sa main office nito sa bayan ng Talisay kahapon.

Ayon kay General Manager Zandro Gestiada, bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng National Cooperative Month” na may temang “Kooperatibang Matatag: Tumutugon sa mga Hamon, Daan sa Pagbangon, Nagbibigay Pag-asa sa Makabagong Panahon.”

Aniya, isa itong national activity kung saan nakilahok ang iba’t- ibang mga kooperatiba sa buong bansa tulad ng Canoreco.

Ang mga benepsyaryo ay ang mga residente malapit sa Canoreco main office.

Ayon sa naturang kooperatiba ng kuryente  prutas, gulay, pang-sahog, de lata, itlog, pansit at bigas ang ipinamahagi sa mga nabenepisyuhang kunsomidores.

Matatandaang nagsimula ang mga Community Pantries sa National Capital Region (NCR), noong kasagsagan ng surge ng COVID- 19 sa naturang lugar.

Layon nito na matulungan ang mga naghihirap na Pilipino na maitawid ang kanilang pang- araw- araw na pangangailangan.

Ang diwa ng bayanihan spirit na nagsimulang umusbong sa isang maliit na community pantry ay lumaganap na sa buong bansa at ginagawa na rin ngayon ng iba’t- ibang organisasyon o grupo.

(Photo: Canoreco)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *