Mahigit kumulang 200 estudyante ng Camarines Norte School of Law nakatanggap ng COVID- 19 vaccine, ilan pang Tertiary Schools sa probinsiya magsasagawa rin ng bakunahan.

CAMARINES NORTE- Umaabot sa mahigit kumulang 200 estudyante ng Camarines Norte School of Law (CNSL) ang nakatanggap ng COVID- 19 vaccine nitong Biyernes.

Ginanap ang pagbabakuna  sa Talisay Elementary School na sinamantala ng mga estudyante ng naturang eskwelahan.

Bakunado na rin daw ang halos lahat ng staff at faculty bilang paghahanda na rin sa nalalapit na pagbubukas ng limited face to face classes.

Maliban sa CNSL, ay nagsagawa rin ng bakunahan sa Our Lady of Lourdes College Foundation.

Ginagawa ang pagbabakuna sa mga Higher Education Institution (HEI) sa pagtutulungan ng Commission on Higher Education (CHED), Department of Health (DOH) at Provincial Health Office (PHO).

Target ng CHED na mabakunahan ang 90 % ng faculty, staff at estudyante ngayong Disyembre bilang paghahanda sa pagbubukas ng limited face to face classes.

Ayon naman kay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco mayroon ding gagawing bakunahan bukas araw ng Sabado sa Camarines Norte State College at sa Linggo naman ay sa Mabini Colleges.

Mababatid na pinayagan na ng Inter- Agency Task Force ang face- to face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 to 3 batay sa anunsiyo noong Miyerkules ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles.

Ang Camarines Norte ay kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Ang mga kondisyon ng pagsasagawa ng face to face classes ay dapat 50 % indoor venue capacity at walang pagtutol mula sa Local Government Unit.

Kailangan din na fully vaccinated ang teaching and non- teaching personnel at studyante.

Inaprobahan din ng IATF ang proposal ng CHED para sa phased implementation ng limited face to face classes sa ilalim ng alert levels system.

 (Photo Courtesy: Marifel Joy Lallo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *