Mahigit kumulang 200 katao nagdonate ng dugo sa isinagawang blood- letting activity sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Tinatayang aabot sa mahigit kumulang dalawang daang katao ang nag donate ng dugo sa isinagawang blood- letting activity sa bayan ng Basud, Camarines Norte nitong Huwebes, October 20 sa Function Hall ng munisipyo.

Nilahukan ito ng mga kawani ng munisipyo,  Philippine Army, Bureau of Fire Protection mga opisyal ng Barangay at iba’t- ibang non- government organization.

Dahil sa dami ng nag donate, kumpiyansa ang Municipal Health Office na maabot ang target na bag ng dugo sa huling quarter nitong taon.

Ang naturang aktibidad ay bahagi rin ng pagdiriwang ng 15th Rahugan Festival sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan, Department of Health, Provincial Health Office at Bicol Medical Center.

Noong kasagsagan ng panddemya  ay naging malaking hamon ang kakulangan ng suplay ng dugo dahil maraming mga blood- letting activity ang hindi nagawa.

Bunsod ito nang mahigpit na quarantine restriction sa kasagsagan ng implementasyon ng Community Quarantine.

Ayon sa DOH, bukod sa pag dugtong ng buhay ng iba, ang regular na pag-dodonate ng dugo ay may benepisyo sa kalusugan ng nag donate.

Sa bawat dugo kasing mawawala ay nagpo-produce ang katawan ng bago at mas malusog na dugo upang maghatid ng sustansya sa buong katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *