Mahigit P100 libo halaga ng shabu nakuha sa isang tricycle driver sa Capalonga

CAMARINES NORTE- Aabot sa Php 102,000.00 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa isang tricycle driver sa isinagawang anti- illegal drug operation ng mga awtoridad Lunes ng madaling araw sa Purok-2, Brgy. Poblacion, Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas Noe 47 anyos may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Bitbit ang search warrant na inisyu ni Acting Presiding Judge Michael Angelo S. Rito, nagsagawa ng operasyon ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Noe.

Nakuha sa naturang operasyon ang dalawang katamtamang pakete ng naglalaman ng hinihinalang shabu at lima pang piraso ng maliliit na pakete na nakalagay sa isang maliit na lalagyan na natagpuan sa loob ng durabox.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Capalonga MPS ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PHOTO: CNPPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *