Mahigit P145 million na ang halaga ng nasirang imprastraktura dahil sa bagyong Agaton – DPWH

Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mahigit P145 million na ang halaga ng mga nasirang imprastraktura dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Region 13.

Base sa datos ng DPWH, nasa P118.390 million na ang kabuuang halaga ng mga nasirang mga kalsada at nasa P27 million naman ang mga tulay ang nawasak dahil sa matinding pagbaha.

Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, ang kanilang mga maintenance crew ay nasa naturang mga lugar upang i-monitor ang lagay ng mga daan upang magsagawa ng clearing at restoration activities.

Samantala, nasa 13 ang mga daanang apektado sa Region 6, 2 sa Region 7 at 14 naman sa nasira sa Region 8.

|| ARGIE ERGINA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *