Mahigit P15 milyong halaga ng interbensyon naipamahagi sa unang distrito ng Quezon

Namahagi ng nasa mahigit P15 milyong halaga ng interbensyon ang Department of Agriculture o DA CALABARZON, para sa ilang mga magsasaka mula sa mga bayan ng Infanta at General Nakar sa probinsya ng Quezon.

Kabilang sa ipinamahagi ng DA ang mga pananim na palay, mais at mga binhi ng gulay.

Nakatanggap rin ang mga magsasaka ng fertilizer discount voucher at ilang mga kagamitan para sa pagsasaka katulad ng floating tiller at hand tractor na mula sa kanilang programa na Rice Program, Corn Program, at High Value Crops Development Program.

Kaugnay nito, tinanggap din ng isang asusayon ng mga magbababoy ang sampung milyong halaga ng biosecured at climate-controlled finisher operation facility, biologics, feeds, at alagaing baboy mula sa livestock program.

Samantala, lubos anamna ng pasasalamat ng mga residenteng nakatanggap ng tulong mula sa DA, dahil malaking tulong aniya ito para sa kanilang hanap buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *