Ang anti-illegal drug operation ay humantong sa pagkakaaresto ng isang binata na sangkot sa street-level na pagtutulak ng ipinagbabawal na droga sa Brgy Poblacion 1, Claveria, Masbate.
Kinilala ang suspek na si Abundio Noval Sambuena, 48-anyos, walang trabaho at naninirahan sa Sitio Intramuros, Pob 1, ng nasabing bayan.
Inaresto si Sambuena sa isang buy-bust operations matapos na magbenta ng isang sachet at pagkakaroon ng 5 pang pirasong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 40 gramos at tinatantyang may DDB value na P272K.
Mahaharap ang suspek sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
