Mahigit sa 100,000 na uncertified product sa SoCot, sinira!

KORONADAL CITY — MAHIGIT sa 100,000 mga uncertified products sa South Cotabato ang sinira ng Department of Trade and Industry o DTI-12.

Ito ang inihayag ni Mary Ann Morales, chief ng Trade, Industry and Development Specialist- Consumer Welfare Division ng DTI-12 sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ang nasabing mga produkto ay kinabibilangan ng mga wires at cables, mga Christmas lights, tools, blenders, electricfans at iba pa.

Sinabi ni Morales, dinaluhan ito ng mga empleyedo ng Commission on Audit o COA.

Paliwanag naman ni Morales na ang mga steel bars gaya na lamang ng kabilya ay hahati-hatiin at ibebenta sa publiko bilang scrap items na maaari pang mapapakinabangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *