Umaabot sa mahigit tatlong libo ang mga naitalang delinquent employer ng Social Security System Olongapo branch.
Ito ay mula umano sa kanilang nasasakupang area na kinabibilangan ng Olongapo, Subic Bay, Subic, Castillejos, San Marcelino, San Antonio at San Narciso.
Ayon kay SSS Olongapo Manager Marites Dalope, base tala mayroong nasa 3,158.
Matatandaan,noong nakalipas na Byernes, ay nagsagawa ng Run After Contribution Evaders o RACE ang SSS sa SBFZ at sampong kompanya ang inisyuhan ng show cause order kung saan binibigyan ang mga ito ng labinlimang araw para makapag-comply ng kanilang mga obligasyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
