Maiingay na tambutso ng motorsiklo, pinapitpit sa mga may-ari

Napakamot na lang sa ulo sa panghihinayang ang mga may-ari ng maiingay na tambutsong nakumpiska kamakailan ng pulisya sa bayan ng Brooke’s Point.

Sa harapan ng awtoridad ay wala silang nagawa kundi pitpitin o sirain ang mga muffler ng motorsiklo.

Halos isang Linggo rin umanong nagbabala ang pulisya sa mga motorista matapos silang makatanggap ng reklamo sa mga residente tungkol perwisyong idinudulot nito.

Kaugnay nito, ibinabala pa ng pulisya na kapag nahuli at nakumpiska ang iba pang maiingay na tambutso ay hindi rin ito pakikinabangan pa ng may-ari.

Samantala, napag-alaman na nagkakahalaga ng halos tatlong libong piso ang gastos sa pagbili ng mga sinirang muffler.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *