Mainit na panahon, asahan dahil sa easterlies- PAGASA

Patuloy na makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong hapon.

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil pa rin sa umiiral na easterlies o ang mainit na hangin mula sa dagat Pasipiko.

Samantala, posible naman ngayong hapon ang thunderstorms sa ilang panig ng Pilipinas.

Base sa rainfall forecast ng Metra Weather, uulanin ang Palawan, buong Visayas Northern Mindanao, BARMM at SOCCSKSARGEN.

Mananatili namang maalinsangan at mababa ang tsansa ng ulan sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *