Mainit na panahon, asahan dahil sa easterlies

Patuloy na makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang halos buong bansa ngayong hapon ng Huwebes.

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil pa rin sa easterlies o mainit na hangin galing silangan.

Samantala, asahan pa rin ang mga localized thunderstorm sa mga susunod na oras sa halos buong Mindanao at ilang bahagi ng Palawan, Negros provinces at Bohol.

Mababa naman ang tyansa ng ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *