Maintenance ng dating swimming pool sa Bicol University, plano ng PGA

LEGAZPI CITY – Kinakailangan umano ng maintenance para sa dating swimming pool sa Bicol University, kaya ito na ang nasa plano ng pamahalaang panlalawigan ng Albay.

Ayon sa gobernador, sayang umano ng in-invest ng dating administrasyon kung hindi magkakaroon ng maintenance sa nasabing pool, kung saan nakatala rin ito sa memorandum of agreement na pirmado ni dating Albay Gov. Joey Salceda at ng nasabing pamantasan.

Nakasaad umano sa MOA na magbibigay ng limang milyumpiso para sa maintenance nito upang magamit.

Aniya, hindi kailangang magbayad sa pamantasan kundi kailangan lamang na mapanatili ang kaayusan nito na magagamit sa mga malalaking komeptisyon sa isports katulad ng palarong pambansa.

Matatandaang muling isinaayos ang olympic-sized pool ng pamantasan kamakailan, kaya maintenance naman ang paplanuhin ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *