Makabayan bloc, hiniling ang agarang pagpapasuspende sa nakatakdang water rate hike

Naghain ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc ng resolusyon na humihiling para sa deferral ng nakatakdang rate hike ng utility concessionaires Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services Inc., at sinabing lalo lang itong magpapalala sa kalagayan ng mga mahihirap na pamilya.

Sa House Joint Resolution No. 17 na inihain nina Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, Alliance of Concerned Teachers Partylist Rep. France Castro at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, isinusulong nila ang agarang suspensyon sa pagpapatupad ng water rate hike simula sa January 2023, sa gitna ng mataas na mga presyo sa basic services at ng economic downturn.

Matatandaan na noong November 2022, inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang panukala ng parehong water concessionaires na itaas ang kanilang rates sa ilang tranches mula January 2023 hanggang 2027. Sa ilalim ng Manila Water rates magtataas sila ng P8.04 more per cubic meter, habang sa Maynilad rates ay P3.29 per cubic meter in 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *