Makabayan bloc, kakasuhan si ex-pres Duterte

Pinag-aaralan na ng Makabayan bloc ang kanilang mga gagawing hakbang matapos ang death threat ni dating pangulong Rodrigo Duterte laban sa isa nilang miyembro na si House Deputy Minority Leader, ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

Kung maaalala, sa regular program sa isang TV Station, nagbanta si Duterte laban kay Castro nang mapag-usapan ang hiling na confindential funds ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Sa isang pahayag, nagpaalala si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kay Duterte na hindi na raw siya immune sa kaso lalo na’t wala na siya sa puwesto.

Kinundena ni Brosas ang ginawang pagbabanta ni Duterte at nangakong ipagpapatuloy daw nila ang pagsusulong ng transparency sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *