Makabayan bloc kay PBBM: Gawing totoo ang pagbibigay ng P10k ayuda sa 12.4- pamilyang Pilipino

Hinimok ng Makabayan block si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing totoo ang pagbibigay ng P10,000 ayuda sa 12.4 milyong pamilyang pilipino.

Naghain ng House Joint Resolution No.13 sina Rep. Arlene Brosas of Gabriela, Rep. France Castro of ACT Teachers, and Rep. Raoul Manuel of Kabataan upang himukin ang pangulo na  agarang ipatupad ang P10,000 cash subsidy o ayuda sa 12.4 milyong pamilyang Pilipino na lubhang apektado ng mataas na inflation, maliit na sahod at kalamidad.

Ginawa ng Makabayan ang panawagan bago ang pagpupulong ng Bicameral Conference Committee sa panukalang P5.268-trillion national budget para sa 2023.

Ang P10,000 na ayuda ay ginawang “memes”ng mga Pilipino online.

nagmula ito sa naunang panukala ni noo’y Taguig-Pateros 1st district Rep. Alan Peter Cayetano para sa national government na magkaroon ng savings para sa layunin ng pamamahagi ng P10,000 sa pamilyang Filipino. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *