Naghain ng resolusyon ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc na imbestigahan ang pagbebenta ng laptops na para sana sa mga public school teachers, pero sa halip ay ibenenta online at sa surplus shops sa Cebu at Rizal.
Binigyang diin nina ACT Teachers Party-list Representative France Castro, Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na noong 2021 at 2022, maraming mga guro umano ang hindi nakatanggap ng laptop na binili ng Department of Education na tutulong sa mga educators sa pagshift sa online learning.
Giit ng naturang mga mambabatas na batay umano sa reports mula sa isang online news site, lumalabas na ang pagbenta ng laptops ay may kaugnayan sa P667 million contract na iginawad ng DepEd sa Transpac Cargo Logistics Inc., na isang small logistics company sa Las Pinas.
Ayon umano sa Transpac, bigo ang DepEd na bayaran ang P34.5 million sa kanila, na ibig sabihin, hindi naideliver ang laptops.
Dagdag ng logistics company, na ibenenta ng kanilang subcontractors ang naturang laptops para mabawasan ang pagkalugi. //MHEL PACIA-TRINIDAD
GIPAHAYAG sa labaw sa komitiba sa transportasyon nga si Kagawad Dominador Lagare Jr. nga plano…
NAKA KUSTODIYA karon sa Bula Police Station ang duha ka lalaki nga gidakop sa hiniusang…
KORONADAL CITY – UMABOT sa P 281.2 million na halaga ng cash assistance at livelihood…
POSIBLENG sa adlaw’ng Lunes pa pormal nga mapasaka sa kapulisan ang kaso batok suspek sa…
GIKWESTYON sa konsehal sa sesyon sa konseho ang kaandam sa LGU-GenSan sa epekto sa El…
LEGAZPI CITY - Aabot sa mahigit 6,000 na mga estudyante ang nakatanggap na ng cash…