Makabayan bloc, pinare-revoke ang KWF order na i-ban ang umano’y subversive books

Pinare-revoke na ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc ang naging order ng Komisyon sa Wikang Filipino na kung saan ay pinapu-pullout ang limang mga aklat mula sa mga paaralan at mga pampublikong aklatan dahil sa ‘di umano’y pagiging ‘anti-government’ nito at pagkakaroon ng mga subersibong kasulatan.

Inihain ng Makabayan bloc ang House Resolution No. 253 kung saan ay kinukundena nito ang ‘di umano’y ‘redtagging’ ng mga komisyuner ng KWF.

Sa ilalim nito, binatikos ng mga mambabatas ang pangre-redtag ng isang network, kabilang na si dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy dahil sa nasa 17 mga aklat.

Bago ito, una nang naghain si Albay Rep. Edcel Lagman ng House Resolution No. 239 kung saan ay hinihikayat nito ang House Commitees on Human Rights, Basic Education and Culture, at ang Higher and Technical Education na imbestigahan ang memo ng KWF.

Giit ni Lagman, ‘unconstitutional’ ang hakbang na ito ng KWF lalo na’t ang pangunahing mandato ng tanggapan ay palawigin at buhayin ang paggamit sa Wikang Filipino – ngunit tila kabaliktaran ang naging resulta nito sa tila ay pagce-censorship sa karapatang panglilimbag ng mga awtor.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *