Makasaysayang Metropolitan Theater sa Maynila, tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang isang bahagi ng makasaysayang Metropolitan Theater sa Arroceros sa Ermita, Maynila ngayong umaga.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, nagsimula ang apoy alas-otso singkuwenta’y singko ngayong umaga.

Iniakyat pa ito sa ikalawang alarma pasado alas-nuweve ng umaga dahil sa tindi ng usok na ibiniubuga mula sa apoy sa gusali.

Idineklara namang ‘fire out’ na alas-nueve kuwarenta’y uno ng umaga.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng apoy ay at kabuoang damage nito.

Matatandaaang ang makasaysayang gusali ay unang pinasinayaan noong 1931 bilang lugar na pagdarausan ng ilang mga mahahalagang events sa sining at kulutra sa bansa.

1996 nang ipasara ito at matapos ang halos tatlong dekada ay muling binuksan noong nakaraang taon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *