Malacañang Press Corps, nagpahayag ng pagkabahala sa pag-deny ng accreditation ng isang mamamahayag

Naglabas ng pahayag ang Malacañang Press Corps (MPC) kaugnay sa pagbasura ng Office of the Press Secretary (OPS) sa press accredition ng isang tabloid reporter.

Ayon sa opisyal na pahayag ng MPC, nanawagan ito sa OPS na magbigay ng malinaw na detalye kung ano ang mga paglabag na nagawa ng Hataw reporter na si Rose Novenario na naging sanhi kung bakit hindi nila pinagbigyan ang accreditation nito.

Hiniling din ng grupo sa OPS na makipag-ugnayan sa MPC upang maging klaro ang dahilan ng ‘denial of accreditation’ sa isa sa mga miyembro nito.

Nanindigan naman naman ang MPC na magiging bahagi pa rin ng grupo si Novenario sa kabila ng ipinatupad na ban ng OPS sa naturang reporter.

Una nang ikinagulat ng MPC ang hindi pagtanggap ng OPS sa accreditation ni Novenario nang walang malinaw na dahilan.

Nabatid na si Novenario ay isang seasoned reporter ng Hataw at ilang taon na ding correspondent ng naturang tabloid sa Malakanyang.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *