Malaking bahagi ng Mindanao, uulanin dahil sa TS Crising

Asahan na makakaranas ang malaking bahagi ng Mindanao ng pag-ulan sa buong weekend dahil sa Tropical Storm Crising.

Pero ang Luzon at ibang bahagi ng bansa ay mananatiling mainit at  maalinsangan ang panahon.

Ayon sa Pagasa, ang katamtaman hanggang sa malakas na ulan ay iiral mula ngayong araw hanggang sa Sabado sa Caraga Region, Davao Oriental, at Northern Mindanao.

Ang ibang bahagi naman ng Mindanao, Central at Eastern Visayas, ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms, pero hindi naman kalakasan tulad sa mga lugar na makakaranas ng epekto ng Tropical Storm Crising.

Sinabi naman ng Pagasa na napanatili ni Crising ang lakas nito, dala ang maximum sustained winds na  65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 80 kph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *