Human Interest

Malaking hito sa India, kumakain ng tao

KAKILA-KILABOT ang nilalang na namamahay sa ilog ng Kali sa India, dahil isa itong malaki at agresibong hito na umaatake at kumakain ng mga tao.

Ayon sa ulat, siyam na taon na itong nanggugulo sa lugar, nagsimula ang pag-atake nito noong 1998 at natapos nang ito ay mahuli ng isang British Biologist na si Jeremy Wade noong 2007. Ayon kay Wade ang nasabing hito ay may habang humigit kumulang na anim na talampakan at bigat na 70 kilo.

Sinasabi na ang punot-dulo ng lahat ng ito ay dahil sa mga bangkay na pinapaanod ng isang tribu na nakatira malapit sa ilog ng Kali na nakaugalian na ng mga ito, dahilan upang ang hito ay makatikim at masanay sa karne o laman ng tao.

Matapos na mahuli ang nasabing higanteng hito wala nang mga sumunod na insidente ng pagkawala at pag-atake sa mga naliligo sa naturang ilog.###CD  

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

23 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

23 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

23 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

23 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago