Malaking Kilos- Protesta, ikinakasa umano ng Anti- Mining Groups vs. Ipilan Nickel Corp.

Asahan na umano sa mga susunod na araw ang malaking kilos-protesta laban sa Ipilan Nickel Corporation bunsod ng show cause order na ibinaba ng korte laban sa ilang Anti- Mining Advocates nitong Lunes, April 3.

Ayon kay Pastor Job Lagrada, itutuloy nila ang protesta laban sa minahan kahit na may temporary restraining order at show cause order mula sa korte.

Patuloy umano nilang ipahayag ang mariing pagtutol sa INC na wala aniyang respeto sa lokal na pamahalaan ng Brookes Point.

Sa kabilang banda, ipinauubaya ni Pastor Lagrada sa kanyang abogado ang tungkol sa mga isinampang reklamo sa kanya ng mining company kaugnay sa pagbabarikada ng Anti- Mining Group sa Hauling road ng minahan sa Barangay Maasin.

Iginiit nito na walang dokumento na nagpapatunay na pagmamay-ari ng minahan ang kalsada na pinuwestuhan ng mga raliyesta hanggang ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *