Malaking meteor, nasilayan sa Scotland

Lumiwanag ang kalangitan ng Scotland noong Miyerkules ng gabi matapos na ang isang malaking meteor ay namataan.

Ito ay nasilayan mismo ng mga lokal na residente bandang alas-9:00 ng gabi at ang naturang pangyayari ay kanilang naidokumento at ipinost online.

Ayon sa UK Meteor Network, umabot sa 35 public reports ng fireball o shooting star ang kanilang natanggap.

Isa sa mga ito ay ang kuha ng CCTV sa West Lothian na ibinahagi ng may-ari na si Stevie Doyle.

Nasilayan din umano ang meteor sa Glasgow, Edinburgh, Ayrshire, the Borders, Lanarkshire, Renfrewshire, pati na rin sa Ireland.

Batay naman sa local reports, umabot sa kabuuang 200 ang naitalang reports of sightings ng naturang fireball sa buong Scotland at Northern England.  

Ayon sa mga siyentipiko, meteoroids ang tawag sa mga meteors habang nasa outer space.

Kapag pumasok na sa Earth’s atmosphere ay tinatawag na itong shooting star o meteor.

 Meteorite naman kapag bumagsak na sa lupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.