Malaking pagkakaiba ng COVID-update ng DOH Bicol at HERTF ng Naga City , aayusin matapos ang pagpapalawig sa MECQ

NAGA CITY- Malaki ang pagkakaiba ng record ng Department of Health Bicol  sa COVID- update na inilalabas ng Health Emergency Response Task Force o HERTF.

Ito ang nakita ng mga myembro noong isailalim ang Naga City sa Modified Enhanced Community Quarantine. Kaya nang palawigin ang MECQ hanggang sa Hulyo 15, 2021 nagpulong ang HERTF upang areglohin ang iba pa ring datus.

Nitong Hunyo 28 , nakasaad sa data ng DOH na 1, 462 pa ang COVID-active cases malayo sa 292 na update ng Naga sa parehong araw.

Ayon kay Renne Gumba ng HERTF bukod sa active cases, maaaring tiningnan din ang bed capacity. Sa tala ng Naga hindi pa puno ang mga isolation and treatment facility maliban sa Bicol Medical Center na nasa lungsod subalit marami sa mga naka admit ay mga taga Camarines Sur.

Kasunod nito nagtulugan na ang HERTF at Provincial Incident Management team para sa one hospital command system upang ang mga stable na ay mailipat na sa mga district hospitals.

Inihayag ni Gumba sa Brigada News FM Naga na kailangang maayos ang datus dahil malaki rin ang epekto nito sa pagdedesisyon ng National IATF sa quarantine classification.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *