Ilang Bicolano, hati ang opinyon sa Araw ng Kalayaan

NAGA CITY- 123 taon nang ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kalayaan, tema ngayon ang “Diwa sa Pagkakaisa at paghilom ng Bayan”.

May mga buo ang loob na sabihing tunay na tayong malaya sa mga pananakop noon dahil sa pagbuwis ng buhay ng mga bayani; mga bayaning kilala na, mga bayaning walang pangalan at wala sa mga aklat.

Para kay Engr. Joy Pornillos ng Naga hindi pa ganap na malaya ang bansa dahil patuloy itong sinasakop ng dayuhan at marami pa rin ang hindi nakakalpas sa kahirapan.

Bakuna naman sa COVID-19 ang bingyan pansin ni Jessielyn Rasal ng Calabanga, aniya paano naman magiging malaya kung ang bakunang ituturok ay hindi tayo ang nagdedesisyon.

Para kay Joey Resureccion Roxas , negosyante sa Naga City People’s Mall bilang isang Pinoy malaya siya dahil nagagawa naman ang mga gusto maliban na lamang ngayong pandemya na marami ang restrictions.

Ayon sa Historian na si Dr. Danny Gerona, magkakaiba ang opinyon ng mga Pinoy sa Kalayaan dahil magkakaiba rin ang pagkakahulugan ng mga ito base sa kanilang pamumuhay at karanasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *