π ππππππ ππ‘π ππ πππ¦π§ππππ¦π¬π’π‘ πππ‘ππππ π¦π π§ππππ ππ π‘π πππ₯ππ π¦ππππ π£πππ¨πͺππππ‘ π¦πππ π¦π πππππ¬ππ‘, ππ£ππ‘ππ-π¨π§π’π¦ Ipinag-utos na ang malalimang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa talamak ngayong malawakang paluwagan scam sa probinsya ng Cagayan kung saan umabot na sa 158 na indibidwal ang bilang ng mga nabiktima.
Sa isinagawang pagpupulong ay pinangalanan ng Cagayan Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director PCOL Julio Gorospe Jr. ang mga pulis na sangkot sa nasabing panloloko kung saan kabilang sa binanggit sina PCMS Isabell Articulo na kinasuhan ng Grave Misconduct, PCMS Pressy Articulo, PCPL Marry Jane Atal at isa pang non-uniformed personnel.
Binigyang-diin ni PCOL Gorospe na hindi nito kukunsintihin ang mga natukoy na PNP member na mapapatunayang sangkot sa nasabing scam.
Hinimok naman ng opisyal ang publiko na maging mapanuri sa pinapasukang investment laloβt hindi aniya biro ang halaga ng pinapasok na pera ng mga nabibiktima.
Modus sa naturang scam ang pagpapatong ng halos kalahating porsiyento na interes sa inihulog na pera o tinatawag na easy money.
Isang Ponzi scheme umano ang nagaganap ngayon sa probinsya ng Cagayan dahil ayon sa Provincial Prosecutorβs Office ay matatawag na itong large scale scam dahil sa bilang ng mga biktima at sangkot na mga indibidwal.
Enter
You sent
![Open photo](https://scontent.xx.fbcdn.net/v/t1.15752-9/449450686_443916241856849_7730715648510824308_n.jpg?_nc_cat=107&ccb=1-7&_nc_sid=0024fc&_nc_eui2=AeHhqDcOZoyF34J772wD9MocKbqazAQmIsgpuprMBCYiyJgE9S0mRNKIIgiMLNy1rXeOPIJlt_H-nB72o_sX4y1T&_nc_ohc=O7JjYRkF1iwQ7kNvgGuJC_f&_nc_ad=z-m&_nc_cid=0&_nc_ht=scontent.xx&oh=03_Q7cD1QEjd57QcQfKBiwV_v3cTIcn49qkkI64GgoqePvcUxwvJA&oe=66A71776)