Malamig na panahon, asahan sa Luzon at Visayas – PAGASA

Asahan pa rin ang malamig na panahon sa buong Luzon at ilang bahagi ng Visayas dahil sa patuloy na epekto ng Amihan.

Patuloy naman binababantayan ng PAGASA ang low pressure area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Kaninang alas-3 ng madaling araw ay huli itong namataan sa layong 1,055 kilometers, Silangan ng Mindanao.

Sinabi ng PAGASA na sa loob ng 36-oras ay nanatiling mababa ang tyansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA.

Pero dahil sa pinagsamang lakas ng LPA at Shear line ay asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.

Mahinang pag-ulan naman na dulot ng amihan ang inaasahan sa Cagayan Valley, Cordillera Adminsitrative Region, Aurora, at northern portion ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands.

Para naman sa natitirang bahagi ng Mindanao ay asahan pa rin ang maaliwalas na panahon maliban na lang sa tyansa ng pulo-pulong pag-ulan na maaring idulot ng localized thunderstorm.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *