KORONADAL CITY — PERSONAL na itinurn-over sa provincial government ng Sultan Kudarat ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang Malasakit Center na makikita sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa bayan ng Isulan.
Nasa P50 million ang pondo ng nasabing Malasakit Center mula sa Office of the President. Personal naman na ibinigay ni Go ang nasabing cheque kay Sultan Kudarat Governor Suharto Mangudadatu.
Sinabi ni Go na layunin ng Malasakit Center na matulungan ang mga mahihirap na mga pasyente upang wala nang mabayaran sa kanilang hospital bills.
One-stop shop ang Malasakit Center kung saan napapaloob ang apat na ahensiya ng gobyerno na handang tumulong sa mga mahihirap na pasyente na kinabibilangan ng PhilHealth, PCSO, DSWD kag DOH.
Maliban sa Sultan Kudarat Provincial Hospital nakatanggap din ng P50 million na budget para sa kani-kanilang Malasakit Center ang Cotabato Sanitarium sa Cotabato Province, Dr. Jorge Royeca Hospital sa General Santos City at Maguindanao Provincial Hospital sa Maguindanao Province.
Na-rescue sa mga sakop sa Coast Guard District Southeastern Mindanao ang duha ka indibiwal nga…
Kumpirmadong nang may relasyon sa pagitan ng aktor na si Xian Lim at film producer…
Pinangunahan ng gymnast na si Karl Eldrew Yulo ang Philippine Artistic Gymnastics team matapos makapaguwi…
Hindi bababa sa sampu ang nasawi sa katimugang estado ng Rio Grande do Sul ng…
Patay diha-diha dayon ang usa ka lalaki human gipauwanan kinig bala kay matud pa wala…
Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Zhou Zhiyong mula sa embahada ng China sa…