Malasakit Center sa lalawigan ng Catanduanes, pormal nang pinasinayaan

Virac, CATANDUANES— Pormal nang pinasinayaan sa lalawigan ng Catanduanes ang Malasakit Center na matatagpuan sa loob ng Eastern Bicol Medical Center sa bayan ng Virac.

Presente sa isinagawang ‘virtual launching’ ng nasabing proyekto ang gobernador ng lalawigan, mga alkalde sa probinsya habang presente rin via zoom si dating Presidential Aide at ngayo’y Sen. Christopher Bong Go.

Ang ‘Malasakit Center’ sa islang lalawigan ang ika-133 Malasakit Center sa bansa na itinayo dahil sa layuning makapag bigay serbisyo sa mga mahihirap na Pilipino na nangangailangan ng asistensyang medikal.

Matatagpuan sa loob nito ang apat na ahensya ng gobyerno partikular ang PhilHealth, PCSO, DOH at DSWD na madalas na tinatakbuhan ng mga mamamayang kinukulang ng pambayad sakanilang hospital bills.

Nasa P3-Million ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa Malasakit Center ng Catanduanes na replenishable kada buwan.

Bukod pa dito ang P20-Million na pondong inilaan ngayong 2021 ng mga principal authors ng Malasakit Center para sa EBMC.

Samantala, dahil dito inaasahan na wala nang dahilan para hindi matulungan ang mga nagkakasakit na Catandunganon na kapos sa pinansiyal.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *