Malawakang crackdown sa recreational vaping, inanunsyo ng Australia

Inanunsyo ng Australia’s health minister kahapon ang malawakang crackdown sa recreational vaping matapos akusahan ang mga tobacco companies nna sadyang nang-aakit ng mga teenagers upang susunod na “generation of nicotine addicts.”

Ipagbabawal na sa bansa ang paggamit ng single-use disposable vapes, ihihinto na rin ang pag-import ng non-prescription versions nito.

Matagal nang nangunguna ang Australia sa pagtatangka na matigil ang paninigarilyo sa mga mamamayan nito at noong 2012 ay naging unang bansa na nagpasimula ng “plain packaging” laws for cigarettes na isang polisiyang kinopya sa France, Britain at iba pa.

Ngunit nitong mga nakaraang taon, nahirapan ang Australia na pigilan ang paglabas ng mga recreational vaping, partikular sa mga teenager.

Sa kabila ng kautusan, pahihintulutan pa rin ang mga tao na gumamit ng vape ngunit kakailanganin na nilang kumuha ng prescription nito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *