Malay LGU, pinawi ang pangamba ng publiko sa pinangangambahang pag-collapse ng Boracay

Pinasiguro ni Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista na hindi dapat ikabahala ng mga mamamayan ang mga ulat patungkol sa mga nakitang sinkhole sa isla ng Boracay.

Sa panayam nga Brigada News Fm Antique sa alkalde, kaniyang pinahayag na sa ilang taon na lumipas ay walang kahit na anong reports na nagkaroon nga sira ang mga istruktura at sinisiguro rin ng mga structural engineers ang lupang kinatatayuan nga mga ito.

Dagdag pa ng alkalde, normal lang daw ang mga nakitang sinkhole lalo na sa mga limestone areas kagaya ng isla at sumusunod naman daw ang mga establishimento sa carrying capacity.

Matatandaan na base sa karst subsidence hazard mapping na isinagawa ng mines and geosciences bureau, mayroong 815 na mga sinkhole ang nadiskubre mula taong 2021 hanggang 2022.

Sa susunod na linggo naman ay magsasagawa ng pagpupulong ang alkalde kasama ang Mines and Geosciences Bureau.//104.5 Brigada San Jose – Antique | JOHN JAYSON SAPA
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *