Malaysia ex-PM Muhyiddin kinasuhan ng katiwalian

Kinasuhan ng katiwalian si Malaysia ex- prime minister Muhyddin Tassin dahil sa umano’y maling paggamit ng Covid economic recovery fund.

Si Muhyiddin ay prime minister sa loob ng 17 buwan sa pagitan ng 2020 at 2021 sa kasagsagan coronavirus, at ngayon ay namumuno sa isang opposition coalition laban sa gobyerno ni Prime Minister Anwar Ibrahim.

Siya ang pangalawang dating prime minister na kinasuhan ng katiwalian pagkatapos ni ex-leader n Najib Razak, na kasalukuyang nagsisilbi ng 12 taong pagkakakulong dahil sa kanyang papel sa isang financial scanda; sa state investment fund na 1MDB.

Nag plead ng not guilty si Muhyddin sa korte sa lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya at humiling ng pagliltiis.

Pansamantala siyang nakalaya matapos mag piyansa ngunit iniutos ng korte na i-surrender ang kanyang passport.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *