Malaysia handa umanong makipag-negosasyon sa China kaugnay ng issue sa South China Sea

Handa umanong makipag-negosasyon ang Malaysia sa China sa hindi pagkakaunawaan sa South China Sea upang mapangalagaan ang energy exploration efforts ng bansa.

Inaangkin ng China ang soberanya sa halos buong South China Sea na isang strategic waterway sa kabila ng international court ruling na walang legal na batayan ang assertion ng Beijing.

Ayon kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, ang sensitibong issue ay napag-usapan sa pulong niya kamakailan kay Chinese President Xi Jinping.

Ito ay dahil ang state energy firm ng Malaysia na Petronas ay mayroong pinakamalaking oil platform sa pinagtatalunang lugar.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Anwar sa pakikipag-usap kay Xi.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *