Malaysian foreign minister, bumisita sa Malacañang

Malugod na tinanggap ni Pangulong Bongbong Marcos ang courtesy call ng foreign minister ng Malaysia na si Dato Seri Utama Haji Mohamad Bin Haji Hasan kahapon.

Napag usapan ng dalawang lider ang bilateral relations ng Pilipinas at Malaysia at ang ilang mahahalagang regional issues.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang Malaysian Foreign Minister sa pagtungo nito sa Palasyo sa kabila ng pagiging abala sa byahe sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Hiling din ng Pangulo na maging produktibo ang pag bisita nito sa bansa.

Taong 1959 nang magsimula ang diplomatic relation ng Pilipinas at Malaysia sa pagtatatag ng Philippine legation sa Kuala Lumpur, pormal namang itinatag na consulate ang Philippine Legation noong May 18, 1964.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *